ni Regin Reyno
Dahil ngayon ay Linggo ng Wika, napagdesisyon ako na mag-blog gamit ang wikang Filipino.
Maaga kaming nagising nong araw na yon kasi madaming activities ang nakaplano. Naka-plano kaming puntahan ang Underground River sa Puerto Princesa, Palawan. Excited kami dahil di lang namin mararanasan ang napaka-pambihirang spelunking activity, kundi dahil ito ay tinaguriang isa sa 7 Wonders of Nature. Isang malaking accomplishment at pribilehiyo na mapuntahan ‘to.
Nakapunta na ako sa Underground River dati. Nong bata pa ako. Ka-ggraduate ko ng Grade 6 no’n. Kasama ko ang aking ama at iba pang mga kasamahan niya sa trabaho. Napaka-ganda at nakaka-mangha. Isa yaon sa ‘di ko malilimutang biyahe ko nong bata pa ako. Naalala ko pa sabi ng guide dati na may ahas din daw doon. Ako’y medyo kinabahan naman. Napaka-dilim. Sinubukan ng guide namin na patayin ang ilaw. Isang malakas na ilaw na baterya ng sasakyan ang nagpapa-gana-ang gamit dati. Pagka-patay, wala ka talagang makita. Zero visibility, ika nga. Konkonti lang ang mga banca na pumupunta don dati, Halos kami lang ata ang nasa loob ng kweba non.
Ito ang aking mga alaala nong unang punta ko don. Kaya naman, nong araw na yon, ako’y nagagalak at makakabalik ulit ako doon, at saka medyo curios kung ano na hitsura non ngayon. Medyo kabado din na baka di na ganon ka-ganda. Kasi dalawampung taon na ang lumipas. So medyo siguro sira na ang kalikasan dahil sa turismo at mga garapal na tao. Yon ang mga nasa aking isip nong araw na yon.
Papunta sa Underground River, enjoy na enjoy kami sa daan. Ang ganda ng Palawan. Sobra. Ang ganda ng kalsada; kokonting sasakyan, at napapalibutan kami ng kalikasan. Ang view ng ka-gubatan sa gilid ng daan ay napaka-gandang tingnan. Ako’y namangha na hanggang ngayon e preserved pa din ang forest ng Palawan. Saludo talaga ako sa gobyerno nito, lalo na kay Edward Hagedorn. At siyempre ang mga mamayan ng lalawigang ito.
Take note na ang Underground River ay nasa Sabang. 1 hour drive mula sa city proper ng Puerto Princesa.
Take note na ang Underground River ay nasa Sabang. 1 hour drive mula sa city proper ng Puerto Princesa.
Kita din ang view ng dagat sa ibang parte ng daan papuntang Underground River. Nag-stop-over kami sa isang view point na kita ang dagat. Nag-meryenda na din. Preskong buko. Tuwang tuwa ang aking mga banyagang kasama. Galing China, England, at America.
Bago tuluyang pumunta sa Underground River ay dumaan muna kami sa isang attraction. Ang Ugong Rock Adventures. Isang spelunking activity. Aakyatin niyo ang isang maliit na bundok pero sa loob kayo dadaan. Ang guide namin ay si lola. Medyo may katandaan na, pero malakas pa din. At siyempre, nag-English siya. Napaka-gandang experience. Isa pa itong recommended ko na gawin niyo sa Puerto Princesa.
Pagkatapos non e lunch muna kasi medyo puno pa daw ng turista ang Underground River. Medyo nag-alala nanaman ako sa sitwasyon nito. “Siguro di na ganon ka-ganda”, kako sa isip ko. Anyway, nag-lunch kami sa may port kung saan kami sasakay ng pump boat papuntang Underground River. Buffet Lunch, All-Filipino cuisine. Masarap, andon halos lahat ng paborito nating pagkaing Pilipino. Adodo, pinakbet, pancit, chopsuey, mechado, leche flan, rilyenong Bangus, atbp.
Pagkatapos ng pananghalian e tumikim din ako ng tamilok; isang uud na matatagpuan sa bark ng mga bakawan. Sawsaw sa suka na may sili, panalo na. Medyo di kinaya ng mga kasama ko. haha
Nong nasa pump boat na kami, lalo kaming naging excited. Nasa dagat na kami. Damang dama namin ang preskong hangin mula dagat. Lalo’t ilang buwan kaming nakatira sa Beijing, ang ganitong hangin ay talaga namang ma-aapreciate mo talaga.
Papunta doon, kita namin ang magagandang isla na punong puno ng puno. Virgin forest pa talaga. Sobrang ganda. At tanaw din namin ang mga strips ng white sand beaches. Di daw pede puntahan ng turista ang mga yon. Para silang yong beach na nafeature sa movie na, The Beach. Mas maliit nga lang. Nakakita din kami ng pawikan. Hiyawan kaming lahat.
Pagka-dating namin sa beach kung saan ang pasukan patungong Underground River, gusto ko na agad mag-tampisaw. Naka-paganda ng beach, malinis ang tubig, at napapalibutan ng gubat. Tas mainit din kasi ang panahon non. Pero sabi ng guide bawal daw. Pinag-babawal na daw mag-swimming don. Sabi niya, may alam daw siyang spot na pede kami mag-swimming. Sa pag-balik na daw.
Naalala ko nong unang punta ko dito, hindi pa bawal mag-swimming sa beach na yon. Nag-swimming kami don dati pagka-tapos naming mag-caving. Panalo. Ang linis ng tubig. Yon dati ang “Best Beach I’ve Been to” ko, lalo nong di pa ako nakakapunta sa maraming beaches.
Papunta sa may ilog, napansin ko na makapal pa din ang forest. Walang nagbago. Nagkaroon lang ng parang plank-kahoy na daan-sa may trail papunta sa ilog. Y'on yong parang “development” na napansin ko kumpara sa hitsura nong last na andon ako nong 1996. The rest, ganon pa din. Ma-puno at malinis. Wala nga lang akong nakitang bayawak. Dati kasi may bayawak agad na umaaligid lang sa paligid.
Ako nama’y na-gagalak-habang nag-hihintay sa turn namin na sumakay ng paddle boat-kasi kitang kita na maganda pa din tong lugar na to. Although, yong tubig di ganon ka-green that time kasi technically, tag-ulan pa din (andon kami last week ng September).
At obvious ngayon na mas madami na ang paddle boat na pumupunta sa loob, at siyempre mas mahaba na ang pila ng mga turista. Binigyan kami ng device na may earphones. Electric guide. Magbibigay impormasyon tungkol sa cave habang nag-babanca kami sa loob. Para mapanatili daw ang katahimikan ng cave dahil di na magsasalita ang mga boatmen.
Papasok sa kweba, kakaibang excitement ang nadama. Ang malaking bundok, mga puno at halaman, ang tubig na malinis, ang kalikasan na pumapalibot sa amin, ay nagbigay sa amin ng kakaibang excitement. Nagsimula nang magsalita ang electric guide namin. British accent.
Pero nong nasa kweba na kami, ang aming boatman ay salita naman ng salita. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Underground River at nagpapatawa din. Akala ko ba may electric guide na para di na sila masyadong mag-salita? Pero dakdak pa din siya ng dak dak. Naka-pagpasya akong i-off nalang ang electric guide kasi mas ok pakinggan ang aming boatman. Madaming jokes at impormasyon tungkol sa kweba.
Ito yong isang linya niya na di namin makalimutan at nagpatawa talaga sa amin.
"Ma'am/sir take note, do not put your hand in the water". "Why", sabi naman ng mga kasama ko. "It will get wet". ka niya. Sabay tawa kaming lahat.
Ito yong isang linya niya na di namin makalimutan at nagpatawa talaga sa amin.
"Ma'am/sir take note, do not put your hand in the water". "Why", sabi naman ng mga kasama ko. "It will get wet". ka niya. Sabay tawa kaming lahat.
Nakita namin ang mga formation sa loob. Mga stalactites. Napansin ko din na di masyadong madaming ibon at paniki sa loob na lumilipad. Dati kasi ang daming ibon at paniki sa loob na palipad lipad. Yong mga formation, tulad ng virgin Mary at mga gulay ay nagbigay sa akin ng balik-ala ala nong unang punta ko. Nabanggit din yon ng aming guide dati.
Maganda at napaka-majestic ng loob. Muling na-balik ang aking pagka-mangha at lalong nag-patibay ng pag-mamahal sa aking sariling bansa ang experience na y’on. Ang aking mga kasama ay amazed na amazed din. Tawa din ng tawa dahil sa punchline at jokes ng aming bangkero.
Pagkatapos ng 20 taon, mula nong unang punta ko dito nong 1996, halos walang nag-bago. Salamat talaga sa mga taga-Palawan sa pag-alaga ng kalikasan niyo. Mayor Hagedorn, ang inyong legacy ay mananatili sa aming mga puso dahil sa ginawa niyo sa Puerto Princesa. Kayo man ay namamahinga na, pero di namin malilimutan ang inyong mga advokasiya, at magandang pamamahala. Isa kang alamat.
Inaanyayahan ko kayong dumalaw sa Puerto Princesa, at yayain ang inyong mga kaibigan at pamilya. Marami kasing mga turista ay dumidiretso nalang sa El Nido para sa island hopping doon. Pero advice ko, wag niyo tong i-miss. Kakaibang ganda at experience ang inyong mararanasan.
Ang tour company namin sa pag-punta doon ay ang www.NorthernHopeTours.com
Rinerecommend ko tong tour company nato. Kontakin niyo sila kung gusto niyong mamasyal sa Palawan.
No comments:
Post a Comment